October 13, 2016

Tadhana




Dear Bes, 

Hindi ko ginusto na sulatan ka sa wikang tagalog, hindi ako magaling dito, sa katunayan ang marka ko nga sa subject na "Filipino" nang nagaaral pa lang ako sa elementarya at highschool, ay hindi lumalagpas sa 90. Pagtungtung ko naman ng colegio, aba tinalo pa ng accounting ang grade ko dito akalain mong  sa accounting naka- B ako, sa filipino C- Hahahah. Huwag ka ng umasang maganda tong isusulat ko tungkol sa'yo. Nagsimula ako sa ingles, pero pakiramdam ko'y boring na para sa'yo ang mga ganun. Delete, delete, magpapaka-Mama Jack na lang ako, since dun ka naman masaya. Taglish! Pak ganern! 

Sabi nga ni Janina San Miguel "Eto! Ha ha ha", 

Hindi ko magets ang point, kung bakit ngayon lang kita susulatan ng ganito eh halos limang taon na tayong magkaibigan, siguro kasi marami tayo, iilan lang ang mga talagang nagiging malapit. Pero, alam mo naman na siguro na sa simula palang, first year college tayo, crush na crush na talaga kita kasi natatalinuhan ako sa'yo, maganda ka pa, ang unfair lang ni Lord, at take note, hindi ko pa alam kung anong ibig iparating ng LGBT movement noon, straight na straight pa ako noon girl, pero syempre hanggang ngayon rin, medyo shaky lang ng konti ang sexuality ni te. Ayan, mag-eemo naman ako para makarating na tayo sa puntong iiyak ka na, charrr! 

Nagsimula itong sem na ito, na ang saya-saya ko, ang dami kong imagination, excited ako at kinakabahan, ineexpect ko na rin na pagpasok ko palang sa classroom, eh ikaw na ang bubungad saakin, at hindi naman ako nagkamali. Sabi ko pa nga sa sarili ko, may plano ang Dios kung bakit ka bumagsak last semester (kahit malungkot ako nang malaman ko yun), at ako naman ay pumasa sa mahirap kong subject na akala ko'y wala ng punto ang pagBSA. Ayan, pinagsabay tayo ni Lord, kasi nga miss ko na rin yung iba nating friends. Ito na yung sign! Nagaral ako ng husto, di ako nagfacebook ng isang buwan. Alam kong, handang-handa ako sa magaganap na iyakan.


Hays, akala lang pala yun. Kasi mas masakit at mahirap pa pala ang mangyayari. Nung una, medyo tanggap ko, Alam kong kakayanin ko pa! Pero di rin nagtagal, medyo nawawalan na ako ng pagasa. Eto nanaman si self-loathing, tinatawag ko pa ang sarili kong baby lion, eh mukhang isang bala lang pala ako ng teacher kong walang pake sa mga nararamdaman ng mga estudyante. 

Isinulat ko ito, a week before final preboard, ang daming revisions na ito, kasi pabago bago ang feelings ni anti na nagfifeeling writer hahahahaha, pero ayan na magsesettle na ako sa title. Yan kasi yung title nang kinanta mo sa isang videoke bar after your beer-vomit (Jusko di naman siguro binabasa ng tatay at nanay mo ang blog page ko no?), almost 5 years na tayong magkakilala gurl, first time kong narinig boses mong kumanta. Sa totoo lang, di ko alam kung anong magiging reaksyon ko nun, kung matatawa ba ako, maiinlove, magagalit kasi bukod pala sa maganda ka na, matalino, magaling sumulat, magdrawing, aba magaling rin palang kumanta! Leche talaga, napaisip na lang akong bigla, sana naging lalake na lang ako nang maligawan na kita (pero joke lang, kasi baka maawkward ka lol). Salamat sa pag-exist! Muntik ko na rin ngang hilingin na sana ako na lang ikaw. Ikaw yung tipo ng taong, hindi gaanong iniisip ang iniisip ng iba, walang pakealam basta masaya. Haha! Gusto ko rin naman mabawasan kahit konti ang 'feelings' na bumabalot sa katawang lupa ko. Lol Pero eto pa rin ako, emo forevs. Marahil, ikaw na nga ang nagpalabas sa  maraming insecruties ko in life. Okay lang naman, sabi nga nila perfect combo na tayo. Ikaw yung tipo ng tao, na papayungan ang iba sa init, kahit glutamax ang gamit na sabon (HAHA). Pero, saakin galing yung payong. Hahahaha ibang klase ka talaga huy!

Siguro nga't tadhana ang dahilan kung bakit tayo nagkasama ng ganito sa iilang buwan, bago ka umalis sa matagal mo ng iniiyakan. Nang sinimulan ko ang sulat na ito hindi ko alam kung pano ko ba to tatapusin, na para bang ang hirap katulad ng Integrated Accounting. Minsan, okay yung may katapusan lalo na kung CPA boards talaga yung pinaguusapan, pero kadalasan kasi hindi maganda ang katapusan. "Sa hindi inaasahang, patatagpo ng mga mundo, may minsan lang na nagdugtong, damang dama na ang ugong nito". 

Hindi man kita masasamahan para sugpuin ang "extraordinary noticeable gorgeous stunning ladies" (charrr lang! alam mo na! joke lang yan), hindi man kita matutulungan sa pagbili ng apples para sa LBM mo. HAHAHAHA gurl, suggest ko lang ayusin mo na yan habang maaga pa. Or hindi man kita masamahan sa pagtoothbrush mo. (Jusko, buti na lang at naalala ko, kailangan ko na pala bumili ng sarili kong toothpaste, kasi nga wala ka na). So girl sino na bang magfifeeling concern kapag may kaaway ako? May pahug-hug ka pang nalalaman ha?! Pero higit sa lahat, mamimiss kitang katabi sa walang sawang inuman! Wala ng tipsy sa katabi ko na bigla na lang akong ihuhug tapos ikikiss, girl di ko masisi kung ang mga kasama natin nagtataka na! Huy bes, in support palang ako sa LGBT, di pa ako official member. Hahahahahaha matagal ko nga rin iniisip, kung bakit ko ba to sinusulat, eh magkikita rin lang naman tayo ulit, di ka pa naman mamamatay hahahahahah mahaba ang buhay ng mga kupal lol. Ito kasi yun bessy, "moments never happen twice", sana nga we could all live in those moments, again and again and again. Char! Bakit umienglish na ako?! 

Alam mo bang, ready na sana ako sa dorm life natin? Excited na ako bumili ng comforter na may cat prints, tapos ilalagay ko posters ng mga pusa sa room (HAHAHA!), balak ko na rin bumili ng chocolates para sa pagrereview, yung lalagyan at organizers, at higit sa lahat ang pinangako kong tabo. Ako na bahala sa tabo, ikaw na bahala sa lahat basta ako sa tabo. Hahahahaha perfect na sana yun, lalabas tayo at pupuntahan ang isaw ng UP (Yummy!). Sleep over na may halong stress pero sureballs CPA na pagkatapos! Ano na kayang nangyayari sa parallel universe? 

May mga bagay sigurong hindi talaga meant to be, may binabalak siguro si Lord or Ang Universe para saakin at oo, para sayo rin. Mga oras na ipapahiram lang sa'yo pero hindi kailan man ay magiging pirmamente, jan tayo nalilintikan eh. Umaasa na hindi magbabago ang lahat, kahit harap harapan ng pinapakita sa'yo na, "huy times up!". Gusto ko sanang sisihin ang sarili ko kung bakit ba kasi ako nagpabaya, o kung hindi man, bakit ba kasi ang bilis bilis kong madisappoint at sumuko? Edi sana masasamahan na kita sa maynila. Gayon pa man, alam mo bang bigla ko na lang naisip, na baka ang rason kung bakit nakapagprerev ako ngayong sem na to ay upang maipaliwanag saakin yung maling persepsyon ko sa sarili ko at sa ibang tao, yung pagsuko ko ng maaga, yung pagiging nega at emo, yung pagdedeprive sa sarili, akala ko dati wala na akong magiging close friend, matapos akong umalis sa isang barkadahan. Akala ko hindi na ako magiging masaya ulit katulad nang dati. Alam mo ba bes, mas naging madaling matanggap ang lahat ng sakit at hirap sa prerev dahil adyan ka? (Ayan na siya! Oy! Echos ko lang to). Yung kahit tangina, halos mamataymatay na ako kasi mali yung pagkacollate ng teacher ko ng sets tapos nabawasan ako ng points, parang naging okay bigla kasi nagburger tayo after. Madali ko rin naaccept na mahina pala talaga ako sa theories, na ngayon ko lang na find out. Alam mo yun? Naging mas madali lahat ng yun. Kasi nga, andyan ka! Kahit nakakaiyak na ang mga pangyayari sa prerev, nagagawa ko pang magjoke at tumawa lol KJ lang ang hindi. Kesyo mag 45% -100% man ang scores ko, andyan ka lagi. Hindi ka naman yung tipo ng tao na nangiiwan sa ere porket nakahanap na siya ng mali sa taong kasama niya. Brad, salamat. Kahit di ka man aware. Ramdam ko talaga. Hindi ako malungkot, kasi andyan ka. Kung maisasama mo lang sana ako hanggang sa CPA board exam. Ang malungkot na katotohan; "Hindi na pwede Anna." Hanggang dito na lang tayo. (Lol parang pagibig lang)

Sa nakaraang limang buwan, hinahanap hanap ko ang milagro, kasi hindi naman talaga ako hinahayaan ng universe, palaging may silver lining ang lahat ng bagay na nakakasuklam sa mundo. Akala ko, ang milagro ay 87, hindi pala yun. Ikaw pala yun, kayo pala yun (isasali ko na yung isa nating kasama, para di naman siya OP sa group chat natin hahahahaha). Kahit saan man ako abutin sa sulat na ito, para pa rin sa lahat ng feels ko sainyo ito. 

Ang drama ko lang bakla! Mas malungkot pala talaga magprerev na kasabay mo ay close friend mo. Marami na talagang sinisirang relasyon ang subject course na yan! Hayaan mo at bubuo ako ng sandatahang anti-prerev! Ayan na, balik sa simula nanaman ako. Siguro nga mas malungkot pa ako sa pagkawala ng presence mo sa study room kesa sa pagbagsak ko. Mamimiss kita, kahit di halata at di ko man aminin.

Di naman talaga kailangan ng labels, gender roles, or kahit ano pang tawagan, sa isang relasyon. Hindi kailangan ng commitments para sabihing may pakialam ka sa tao, na minsan nga yung mga nagsasabi pa na wala daw silang pakialam yun pa pala ang may pinakapakialam, hindi obligasyon ito, hindi rin ito kailangan ipangalandakan sa lahat, at bigyan ng mga explanations kung bakit may ginagawa kang bagay na alien sa iba. Wala naman dapat obligasyon sa bawat relasyon. Kusa itong nararamdaman, kusa rin itong nabubuo, kusa rin itong hihiwalay kung kinakailangan na. Sabi nga ni Regina Spektor (at may purpose kung bakit ko ito ipinarinig sayo matapos kong mapanuod ng ika-sampung beses ang narnia) - It started out as a feeling (alam mo na yung kasunod na lyrics lol mageffort ka rin maggoogle). Siguro naman nasagot ko na ang tanong na, "Ano ang relationship....... (ng tolerable deviation rate and sample size)?" Hahaha

Ang relasyon natin? Hindi ko alam. Hanggang ngayon di ko pa rin alam. Kapag humaharap na tayo sa mga kaibigan natin para simulan na ang walang humpay na inuman, o di kaya sa simpleng pagupo sa long table ng study room, palagi natin sinasabi "Ha? Di kami close.", tayo na nga siguro ang pinaka-offensive na duo, offensive sa isa't isa, Ramdam ko naman palagi kahit halos sakalin mo na ako sa higpit ng hug mo, o kaya kahit iumpog mo ako sa pader, para lang sabihing wala kang pakialam, ramdam ko pa rin ang pagaalala mo.... sa pader. HAHAHA Gusto ko sanang isipin na mauulit pa naman ito, meron pa namang oras, hindi naman ito big deal, mauupo pa rin ta'yo sa dilawang kulay ng study room para maging vain sa kakaselfie, o di kaya sa karlos kung saan ta'yo kumakain gabi-gabi, para bang di na naumay sa merah at kuning. Pero ayan, kailangan ko ng madama ang pagkakaumpog ko sa pader, hashtag: hindi na yun mauulit na kasama ka. Siguro nga't tama ang tadhana, walang kasiguruhan ang mga bagay na akala mo meant to be na, akala mo hindi na titigil, eto nayung sinasabing "and the kingdom lived happily ever after", tama ang tadhana sa pagsabi saating, "hindi yan totoo mga hunghang!". Ang mga huling araw sa prerev, hindi na rin naman ako lumalaban para lang sa CPA-goals, inilalaban ko na rin ang pagkakataong maipagpatuloy ang samahan natin sa maynila, baka sakali lang. Pero tapos na, pasensya ka na't di umabot.

Nang sinimulan ko ang sulat na ito hindi ko alam kung pano ko ba to tatapusin, na para bang ang hirap katulad ng Integrated Accounting. Gusto ko man itong humaba pa, konti na lang aabot rin ako, pero tadhana na ang nagsabi, hanggang dito na lang. 



Siguro't mababasa mo ito habang nakasakay ka na sa bus papuntang maynila. Please lang bes, wag ka iiyak diyan, nakakahiya ka! Hahahahaha 


Nagmamahal,
Anna

P.S. Aamin na ako, mamimiss kita at may sepanx na ako last week pa (kahit puro pagmumura lang ang narirnig mo galing saakin), at oo, walang makakapalit sa'yo. 

No comments :

Post a Comment